Lalaki patay sa pamamaril sa Batangas

Kevin Dinglasan, ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2019 08:10 PM

TANAUAN CITY - Patay sa pananambang ang isang lalaki sa lungsod na ito Miyerkoles ng hapon.

Binabaybay ng sasakyang minamaneho ng biktimang si Rhandel Rivera ang kahabaan ng Apolinario Mabini Avenue sa may bahagi ng Barangay Sambat nang pagbabarilin ng mga naka-motorsiklong salarin.

Dead on the spot si Rivera habang isinugod naman sa pagamutan ang dalawa pa nitong kasama.

Agad tumakas papunta sa direksyon ng Talisay, Batangas ang mga salarin.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.