Dating bahay ni Kerwin Espinosa, 70 iba pa nasunog sa Cebu City

Rhea Soco, ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2018 12:05 AM

Kuha ng FAMC MRU Rescue

CEBU CITY - Nasa 70 bahay ang nasunog sa Sitio Cahipa, Barangay Hipodromo, Cebu City nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay SFO1 Maurice Oporto, nagsimula ang sunog sa isang dalawang palapag na bahay ni Ramie Inopiquez alas-3:10 ng hapon. 

Itinaas ang sunog sa Task Force Alpha bago maideklarang fire out alas-9:58 ng gabi.

Kasamang nasunog ang dating bahay ni self-confessed drug distributor Kerwin Espinosa at bahay ni barangay chairman Ruperto "Don-don" Bacolod.

Nasa P2 milyon ang danyos ng sunog, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Inaalam pa ng mga bombero ang sanhi ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.