5 patay, 4 sugatan sa salpukan ng 4 sasakyan sa Butuan

Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2018 08:04 PM

Nayupi ang isang bajaj tricycle matapos dagdanan ng isang pick-up truck sa Butuan City, Huwebes. ABS-CBN News

BUTUAN CITY - Lima ang patay at 4 ang sugatan matapos magsalpukan ang isang pick-up truck, tricycle, at 2 motorsiklo sa Barangay Amparo sa lungsod nitong Huwebes.

Ayon sa pulisya, ang bajaj tricycle at 2 motorsiklo ay patungong Tungao habang nasa kabilang lane naman ang pick up na papuntang Butuan City.

Pagdating sa Purok 4, nagkabanggaan ang apat na sasakyan. Dahil sa lakas ng impact, bumaligtad ang pick-up at nadaganan ang tricycle.

Dead on arrival sa ospital ang apat na pasahero ng tricycle at backrider ng isang motorsiklo.

Inihahanda pa ng pulisya ang kasong isasampa sa driver ng pick-up truck.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.