PatrolPH

2 patay sa umano'y pamamaril sa Forbes Park

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2022 06:38 AM

MAYNILA—Dalawa ang nasawi matapos ang umano'y pamamaril sa isang bahay sa South Forbes Park Village, Makati City nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa pulisya, naiulat sa kanila na lasing ang suspek — na isang household driver — at naghahanap ng plato sa kusina ng naturang bahay sa Narra St.

Nakarinig na lang umano ang mga testigo ng mga putok ng baril. Nakita na lang duguan ang mga biktima, na idinala agad sa ospital. Kalaunan, nasawi ang mga ito.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek.

Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay trabahador din sa naturang pamamahay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.