PatrolPH

Samar isinailalim sa state of calamity dahil sa pananalasa ng bagyong Jolina

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2021 11:50 PM

Isinailalim sa state of calamity ang lalawigan ng Samar dahil sa nagdaang bagyong Jolina na nanalasa noong Setyembre 6 hanggang 7, 2021.

Ayon sa resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan, aabot sa 13,115 ang partially damaged na mga bahay, P95 million ang halaga ng pinsala sa sa non-goverment infrastrature at aabot naman sa P199 million ang danyos sa sektor ng agrikultura.

Samar
Samar

Matatandaang nag-landfall sa Sto. Niño sa Samar ang bagyong Jolina. 

Layunin ng deklarasyong ito na magamit ng mga lokal na pamahalaan ang calamity fund para sa rehabilitasyon at pagbibigay ayuda sa mga nasalanta.

- ulat ni Ranulfo Docdocan

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.