PatrolPH

Batanes naitala ang unang pagkamatay sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2021 04:49 PM

Naitala ng Batanes ang pinakauna nitong pagkamatay dahil sa COVID-19 kasabay ng patuloy na pagtaas ng mga kaso sa probinsiya.

Isang 70 anyos na lalaki mula Basco ang pinakaunang COVID-related death, sabi ngayong Lunes ng provincial government.

Noong Setyembre 25 pumanaw ang pasyente dahil sa acute respiratory failure secondary to pneumonia at COVID-19.

Samantala, umabot naman sa 349 ang bilang ng active cases o kasalukuyang may COVID-19 sa Batanes matapos makapagtala ng 67 bagong kaso.

Pinakamaraming active cases sa Basco, na umaabot ng 254. Mayroon naman 25 active cases sa Uyugan, 24 sa Mahatao, 19 sa Ivana, 14 sa Itbayat at 13 sa Sabtang.

Napag-alaman ding may 1 critical, 7 severe at 12 moderate COVID-19 patients na inoobserbahan sa Batanes General Hospital. 

Nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Batanes mula noong Setyembre 20 hanggang Oktubre 4.

— Ulat ni Harris Julio

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.