5 suspek, kabilang ang 2 Chinese, huli sa Las Piñas drug bust

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2020 12:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Arestado ang 5 tao, kabilang ang 2 Chinese national, sa buy-bust operation sa Las Piñas City, sabi ngayong Linggo ng pulisya.

Sa ulat ng Southern Police District, nakipagtransaksiyon ang mga pulis sa lalaking Pilipino na nagbebenta ng hinihinalang shabu sa may Barangay Almanza Uno noong Biyernes.

Matapos bentahan, hinuli agad ang 36 anyos na lalaki at kaniyang mga kasamahan, na kinabibilangan ng 2 Chinese na naka-book sa hotel malapit sa lugar.

Nakuha sa mga suspek ang 5 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na halos 20 gramo at nagkakahalagang higit P131,000.

Nakadetene sa Las Piñas Police Custodial Facility ang mga suspek, na haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. -- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.