Lalaki sugatan matapos mabangga ng kotse sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2019 04:06 AM

MAYNILA—Sugatan ang isang lalaki matapos mabangga ng isang kotse sa Batasan-San Mateo Road, Barangay Batasan Hills, Quezon City Biyernes ng hatinggabi.

Kinilala ang biktima na si Ronnie Limpangog.

Ayon kay Knowell Ylarde, drayber ng kotse, pauwi na sana siya sa Northview nang bigla umanong tumawid sa kalsada ang biktima.

Nagtamo ng mga sugat sa ulo si Limpangog na agad isinugod sa ospital. Dinala naman sa Quezon City Traffic Sector 5 si Ylarde.

Paalala ng mga traffic enforcer, magdoble-ingat sa pagtawid sa nasabing kalsada dahil madilim at mabibilis ang mga sasakyan na dumaraan sa lugar lalo't tuwing madaling-araw.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.