Lalaki sugatan matapos bumangga ang minamanehong kotse sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2019 05:38 AM

MAYNILA—Sugatan ang isang lalaki matapos bumangga ang minamanehong kotse sa Barangay San Antonio, Makati City Huwebes ng gabi.

Ayon sa pulisya, tumama ang sasakyan sa gutter sa kanto ng Ayala Ave. Nawasak ang front bumper nito at nabasag din ang bahagi ng windshield. 

Kuwento ng drayber sa mga pulis, nakatulog siya sa pagmamaneho. Dinala siya sa ospital para ipagamot ang sugat sa noo.

Ayon naman sa mga pulis, amoy alak ang drayber.

Hindi nagdulot ng pagbigat sa trapik ang aksidente at naialis ang sasakyan makalipas ang isang oras.—Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.