Election officer ng Bukidnon, patay sa aksidente

PJ Gisan, ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2019 05:58 PM

Nahulog sa drainage canal ang sasakyan ni Atty. Stalin Baguio, election officer ng Bukidnon matapos na matamaan ng bato na dumiretso sa kaniyang mukha. Larawan mula kay Abril Natad.

Namatay sa aksidente ang Provincial Election Officer ng Commission on Elections sa Bukidnon, Biyernes ng umaga.

Kinumpirma ni Lt. Col. Surki Serenas, hepe ng Valencia City Police, na sa ospital binawian ng buhay si Atty. Stalin Baguio na dating election officer din ng Cagayan de Oro City. 

Base sa imbestigasyon ng Valencia Police, minamaneho ni Baguio ang kaniyang Toyota Fortuner nang biglang tumama ang isang bato na nahulog sa kasalubong na truck sa binabaybay na highway sa Patag, Barangay Bagongtaas, dakong alas-10 ng umaga.

Diretsong tumama ang bato sa mukha ni Baguio dahilan para mahulog sa drainage ang sasakyan. 

Nakaligtas naman sa aksidente ang kasama nito sa sasakyan na si Lee Marvin Rapirap.

Si Baguio ay dati na ring election officer ng Cagayan de Oro City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.