2 kubrador ng 'loteng' sa Bulacan, tiklo

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2019 05:23 AM

BULACAN—Arestado sa Marilao, Bulacan Huwebes ng gabi ang 2 hinihinalang kubrador ng illegal numbers game na loteng.

Ayon kay Police Master Sgt. Jason Dela Cruz ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Bulacan, nakatanggap sila ng reklamo ukol sa talamak na pagpapataya ng loteng sa Barangay Lambakin.

Nagkasa sila ng entrapment operation at nahuli ang 2 target na sina alyas Bong at Vilma.

Aminado ang 2 suspek sa kanilang ilegal na gawain, pero nangako silang hindi na raw uulit.

"'Di na po ako magpapataya po," ani Vilma na ginagamit umano ang loteng para may pampakain sa kaniyang pamilya.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602.—Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.