Rape suspek, patay sa engkuwentro sa Bataan

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2018 08:55 PM

Patay ang isang lalaking may kasong rape matapos umanong manlaban sa pulisya sa bayan ng Mariveles, Bataan, Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Roel Castante na may 2 kasong acts of lasciviousness at 1 kaso ng rape sa Leyte at nagtatago umano sa probinsya ng Bataan.

Ihahain sana ng pulisya ang arrest warrant nang magpaputok ng baril ang suspek. Narekober mula sa kaniya ang kalibre-.38 na baril.

“Nu'ng about to serve natin yung 3 warrants of arrest niya . . . alam nyang medyo tagilid siya doon at medyo mabibigat ang charge niya, bumunot siya ng baril galing sa tabi niya, pinutukan 'yung mga arresting officer natin, kaya nag-ano tayo nag-retaliate para dipensahan 'yung sarili," ani Chief Insp. Rex Perocho, hepe ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa Bataan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.