'Please come home': Ama humingi ng tulong para mahanap ang anak

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2018 02:42 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Humingi ng tulong sa Lingkod Kapamilya ngayong Huwebes ang pamilya ng isang 23-anyos na babae na ilang araw nang hindi umuuwi ng bahay.

Huling nakita ng kaniyang pamilya si Gizelle Louise "Sunshine" Dasmariñas nitong Lunes Setyembre 24, 2018. Nag-aalala ang kaniyang pamilya lalo pa't may bipolar disorder ito. 

"Nag-change siya ng medication. May emotional challenges siya. She wants to be alone. She wants to go out. Unfortunately, it's already been 3 days. Sa letter niya, kung 2 days hindi pa siya babalik, baka may nangyari na sa kaniya," ayon sa ama niyang si Gleendo.

Hinala ng kaniyang pamilya, nasa Calamba, Laguna si Sunshine dahil na-trace doon ang kaniyang ATM transactions, sa tulong ng kaniyang bangko. 

"She may be going to Calaguas. She may be going to Bicol. Wala siyang dalang cellphone or anything but she was carrying an ATM and she was able to withdraw money," sabi ng kaniyang ama. 

Tutulak aniya ang ilang kaanak at kaibigan ni Sunshine sa Calamba para mahanap siya.

"Sunshine, you know we love you. Please come home. We are here for you. Let us help you. We know you're strong and praying. Keep on praying and clear your mind. You can fight this and you can overcome these challenges," ani Gleendo. 

Sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa lokasyon ni Sunshine, maaaring makipag-ugnayan sa kaniyang pamilya sa numerong 0918-928-2201. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.