Lalaki, nagbubukas ng pinto ng natatrapik na mga motorista

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2018 09:45 AM | Updated as of Sep 27 2018 01:55 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA (UPDATED) - Hindi lamang batang hamog ang dapat na pag-ingatan ng mga motorista sa kalsada.

Sa video na ipinadala ni alyas Henry, nagbigay-abiso siya sa mga tulad niyang motorista na naiipit sa trapiko na mag-lock palagi ng kanilang mga pinto at siguraduhin din in sarado ang mga bintana.

Ito'y matapos niyang makuhanan ng video ang isang lalaking tila palaboy na pilit na binubuksan ang pinto ng mga kotseng naipit sa trapik sa Aurora Boulevard, Cubao.

Tinangka rin ng nasabing lalaki na buksan ang pinto ni alyas Henry pero nabigo siya at umalis na lamang.

Nito lamang buwan, isang grupo ng mga kabataan ang nakunan ng video na nanggulo sa isang pampasaherong jeep at inagawan ng gamit ang isang matandang lalaki.

Isa pang insidente ang nakunan rin ng isang motorista kung saan makikita ang panggugulo ng ilang batang kalye matapos na mang-agaw ng pagkain sa mga pasahero ng jeep sa Macapagal Avenue sa Pasay City.

Pinakahuling naman ay ang pagsampa ng dalawang solvent boys sa isang taxi sa EDSA.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.