7 napatay ng mga pulis sa engkuwentro sa Lapu-Lapu City

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2018 12:55 AM

Lapu-Lapu City Police Office

CEBU - Patay ang 7 lalaki sa isang engkuwentro sa Barangay Pajac, Lapu-Lapu City nitong Miyerkoles ng hapon.

Ayon kay Supt. Mark Sucalit, hepe ng City Intelligence Branch ng Lapu-Lapu City Police Office, ikinasa ang operasyon matapos silang makatanggap ng impormasyon na armado ang mga lalaki.

Nang marating ang lugar, pinaputukan umano sila ng mga lalaki na nagresulta sa barilan.

Patay ang 7 lalaki na nakuhanan ng mga kalibre .45 na baril.

Narekober din sa kanila ang mga hinihinalang ilegal na droga at paraphernalia.

Ayon sa pulisya, sangkot umano sa pagtutulak ang mga napatay.

Lumabas din sa kanilang imbestigasyon na sangkot din ang grupo sa serye ng mga pamamaril sa siyudad. - ulat ni Jude Torres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.