2 patay sa salpukan ng motor, bus sa Surigao del Norte

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2018 09:25 PM

Kuha ni Cire Senimoras Yugop

Dalawa ang patay matapos magsalpukan ang isang motorsiklo at bus sa national highway sa bayan ng Placer, Surigao del Norte Miyerkoles ng hapon.

Parehong estudyante ang dalawang biktima na sina Felix Raagas, 32, at Alvin Quino, 22.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, papunta ang bus sa Surigao city at nang makarating sa pakurbadang parte ng highway ay nabangga nito ang motorsiklo na nawalan ng kontrol at napunta sa lane ng bus.

Nakaladkad ng bus ang dalawang biktima.

Agad namang sumuko ang driver ng bus na si Richard Malaubang, 48-anyos na taga-Surigao city.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.