10-anyos na bata, ginahasa ng teenager na ka-barangay

Karen Canon, ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2016 12:01 PM

MANILA - Pinasok sa bahay at ginahasa ng 19-anyos na ka-barangay ang isang 10 gulang na bata sa Pio Duran, Albay nitong Linggo.

Kwento ng biktimang si "Ella," natutulog siya sa sala kasama ang ina at tatlong kapatid nang magising siya at kargahin ng 19-anyos na suspek papuntang kusina.

"Babarilin niya daw ako," sabi ng batang dalawang beses minolestya ng suspek.

Inamin naman ng teenager na si Vernie Flores na pinasok niya ang bahay ng biktima habang pauwi mula sa pakikipag-inuman.
 
Lumabas sa imbestigasyon na dumaan ang suspek sa itaas na bahagi ng bahay.
 
Ito na ang ikalawang insidente ng panggagahasa sa menor de edad sa bayan ngayon Setyembre.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.