PatrolPH

Sundalo patay sa pag-atake umano ng NPA sa Northern Samar

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2022 11:49 PM

Nasawi ang isang sundalo matapos ang pang-aatake ng mga hinihinalang rebelde ng New People's Army (NPA)sa Barangay Luisita, Victoria, Northern Samar nitong Lunes.

Ayon sa militar, nangyari ang pag-atake habang nagsasagawa ng pagpatrolya ang 3rd Infantry Battalion matapos magsumbong ang mga residente tungkol sa isang armadong grupo sa lugar.

Tinamaan ng bala sa leeg ang sundalong nakilalang si Corporal Loreto Cachola Jr., na agad nasawi.

Pinaniniwalaan ng militar na ang armadong grupo na nagsasagawa ng extortion activities sa lugar at umatake sa mga sundalo ay pinamumunuan ng isang alyas "Normie."

Agad umano tumakas ang mga hinihinalang rebelde matapos ang pang-aatake.

Kinondena ni Colonel Perfecto Peñaredondo, commander ng 803rd Brigade, ang pangyayari. Ipinag-utos na rin nito na tugisin ang mga nakasagupang mga rebelde —Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.