PatrolPH

Mahigit 800 inilikas sa Cavite City dahil sa bagyong Karding

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2022 05:02 AM | Updated as of Sep 26 2022 05:14 AM

MAYNILA - Apat na barangay o nasa 806 katao sa Cavite City ang inilikas sa Sta. Cruz Elementary School.

Alas-5 pa lang ng hapon nitong Linggo, inevacuate na ng mga barangay ang mga nakatira sa tabing dagat, partikular sa Manila Bay, Bacoor Bay, at Kanyakaw Bay.

Karamihan sa mga bahay ng mga residente ay gawa sa kawayan.

Ayon sa punong barangay ng Barangay 10A na si Benito Reyes, malakas talaga ang hampas ng alon kapag bumabagyo kaya't minabuti na nilang ilikas ang mga residente.

Ang mga inilikas naman, nangangamba na magiba ang kanilang tirahan, pero nagpapasalamat pa din dahil ligtas sila.

Ang isa sa mga evacuee na si Rodel, nahirapan pang lumikas dahil sa kapansanan.

"Yung mga tao nagmadali namang lumikas, nataranta din kasi nag-sigmal number 3 nga po kami ang Cavite City," ani Reyes.

Sa ngayon, puno ang 19 na classrom ng eskwelahan. Sa isang classroom may 25 pamilya ang tumutuloy.

Sa huling tala ng CDRRMO ng Cavite City, nasa 882 families o 3,000 individuals na ang kanilang na-evacuate at patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng mga ito. - Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.