PatrolPH

Ilang evacuees sa Quezon City na ayaw mag-face mask pinagsabihan

Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2022 04:42 PM

MAYNILA — Umaaraw na sa Quezon City, pero marami pa rin ang nasa evacuation site matapos ang hagupit ng bagyong Karding, Lunes. 

Nasa 7,000 na residente ng lungsod ang naunang nag-evacuate, kabilang ang 5,000 mula sa Bagong Silangan, kung saan hanggang tuhod pa rin ang tubig-baha sa ilang bahay. Catch basin kasi ang Bagong Silangan dahil malapit lang ito sa Pasig-Marikina river channel.

Watch more News on iWantTFC

Daan-daang residente ng Bagong Silangan, Quezon City nananatili sa evacuation site

Pero isa sa napansin ng ABS-CBN News ay marami sa mga nasa evacuation sites ang walang suot na face mask dahil nasa open area naman umano sila.

Ayon sa Quezon City local government, ipinatutupad pa rin nito ang pagsusuot ng face mask sa evacuation site lalo't sama-sama ang mga tao.

Pinagsabihan na lang ng LGU ang mga ayaw mag-mask sa crowded area at agad binigyan ng face mask.

May 9 na evacuation sites sa lungsod. 

Dakong alas-4 ng hapon, nasa 1,102 pamilya pa rin ang nananatili sa mga evacuation center, ayon sa lokal na pamahalaan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.