PatrolPH

TINGNAN: Bubong ng gasolinahan sa Nueva Ecija, bumagsak dahil kay Karding

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2022 02:02 PM

Retrato mula kay Jean Delou Dealdo
Retrato mula kay Jean Delou Dealdo

Bumagsak ang bubong sa isang gasolinahan sa Cabiao, Nueva Ecija dahil sa paghagupit ng Bagyong Karding.

Makikita sa mga larawang ipinadala ni Bayan Patroller Jean Delou Dealdo ang pinsalang tinamo ng naturang gasolinahan sa Barangay San Roque.

Kinuhanan umano ang retrato nitong madaling-araw ng Lunes matapos humupa ang malalakas na hangin sa lugar.

Ayon kay Dealdo, bandang alas-9:30 ng gabi nang magsimulang lumakas ang hangin at mawalan ng kuryente sa kanilang bayan.

"Sa loob ng 4 hours na 'yon, nadidinig 'yong mga yero na pumapaypay at ugong sa labas sa sobrang lakas ng hangin," aniya.

Maliban sa bumagsak na bubong ng gasoline station, marami umanong yero ang nagkalat sa kalsada at binaha din ang bahagi ng Barangay San Roque. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.