PatrolPH

Ahas natagpuan sa supermarket sa Roxas City

Rolen Escaniel, ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2022 11:16 AM

Isang ahas ang nakita at nailigtas sa loob ng isang supermarket sa Roxas City. Kuha ng BFP Roxas City
Isang ahas ang nakita at nailigtas sa loob ng isang supermarket sa Roxas City. Kuha ng BFP Roxas City

Isang ahas ang natagpuan sa loob ng isang supermarket sa Roxas City ngayong Linggo ng umaga.

Mabilis na rumesponde sa isang supermarket sa Barangay Inzo, Roxas City, Capiz, ang mga miyembro ng BFP Roxas City matapos makatanggap ng tawag at humihingi ng tulong dahil sa nakitang reticulated python o ahas.

Kaagad na kinuha ng mga rumespondeng bombero ang nakasuksuk na ahas sa mga produkto ng supermarket.

Matagumpay na nakuha ang ahas at ibinigay ng BFP Roxas City ang pangangalaga sa Provincial Environment and Natural Resources Office Capiz PENRO-Capiz.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.