PatrolPH

Riding-in-tandem patay sa Camarines Norte; P576-K 'shabu' narekober

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2021 01:09 PM

Patay ang 2 magkaangkas sa motorsiklo matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Jose Panganiban, Camarines Norte noong Setyembre 25, 2021. Retrato mula sa Jose Pangabiban Public Information Office

Patay ang dalawang lalaki matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa isang checkpoint sa Jose Panganiban, Camarines Norte nitong madaling araw ng Sabado.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga nasawi bilang sina Paciano Bandola, 31 mula Pili, Camarines Sir; at Reynaldo Bandola, 43 mula Quezon City.

Sa ulat ng Bicol police, imbes na huminto sa checkpoint, biglang humarurot ang mga lalaki sakay ng motorsiklo at pinaputukan ang mga pulis.

Pero gumanti umano ng putok ang mga pulis, na ikinamatay ng dalawa.

Nakumpiska sa mga nasawi ang isang baril, sub-machine gun, mga bala, at mga sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P576,000.

— Ulat ni Karren Canon

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.