PatrolPH

Guimbal, Iloilo Mayor Oca Garin, pumanaw na matapos magka-COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2021 09:56 PM | Updated as of Sep 27 2021 12:33 PM

Pumanaw na si Guimbal, Iloilo Mayor Oscar "Oca" Garin Linggo ng hapon.

Inanunsiyo ito ng kaniyang mga anak na sina AAMBIS-OWWA Rep. Sharon Garin at Iloilo Vice Governor Christine Garin.

Ayon sa pamilya, magkakaroon ng send-off caravan mula sa munisipyo ng Guimbal papuntang Oton. Maaring magsindi ng kandila ang mga residenteng nais magpaabot ng kanilang pakikiramay.

Na-ospital noong nakaraang linggo si Mayor Garin matapos mahawaan ng COVID-19.

Nagsilbi ring kinatawan ng 1st District ng lalawigan ng Iloilo si Mayor Garin.

- Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.