Ospital ng Lungsod ng Dipolog isinara para sa disinfection

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2020 02:50 PM

Ospital ng Lungsod ng Dipolog isinara para sa disinfection 1
Ang Corazon C. Aquino Hospital sa Dipolog City. Dynah Diestro

DIPOLOG CITY – Pansamantalang isinara ang Corazon C. Aquino Hospital (CCAH) dito sa siyudad simula September 25 hanggang October 15 para sa disinfection sa gitna ng patuloy na COVID-19 pandemic.

Pinatatakbo at pag-aari ng lokal na pamahalaan ng Dipolog City ang ospital.

Sa inilabas na Executive Order ni Dipolog City Mayor Darel Dexter Uy, kinakailangan ang pansamantalang pagsasara ng ospital para sa gagawing disinfection.

"Dipolog City was recently pronounced as having community transmission, there has been an upsurge of probable and COVID-19 suspects due also to effective contact-tracing, two of whom have turned out to be positive cases," ani Uy sa kaniyang executive order.

"As part of the hospital's precautionary measures, nurses and other medical frontliners have to be quarantined on 14-day rotational shifts which will substantially affect hospital operations."

Ospital ng Lungsod ng Dipolog isinara para sa disinfection 2
Ospital ng Lungsod ng Dipolog isinara para sa disinfection 3

Sa isinagawang contact tracing, sa CCAH dinala ang ilang mga residente na nakasalamuha ng dalawang senior citizen na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Uy, dalawa sa mga residente na isinailalim sa test ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa ngayon ay patuloy na ginagamot ang ilang mga naka-confine na mga pasyente na ilang araw na lang ay makakauwi na habang ililipat naman sa ibang ospital ang ibang mga pasyente na bago pa lang naka-confine.

Tanghali ng October 15, bubuksan muli ang Corazon C. Aquino Hospital.

— ulat ni Dynah Diestro