MAYNILA--Bagsak-presyo ang benta sa ilang Christmas stores sa Maynila ngayong may coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa Christmas Factory sa Sampaloc district, mas kakaunti ang pumupuntang kustomer kumpara noong nakaraang taon.
"'Yung last year, o previous year, mas maganda kasi maraming buyer talaga, pero ngayon mas kokonti kumpara last year o the other year, mas kakaunti po ngayon dahil nga du'n sa pandemya nga natin," ani ani Jo Santos, may-ari ng Christmas Factory.
P100 kada 3 piraso ang mga refrigerator magnet at mga pangsabit sa Christmas tree mula P50.
Nasa P100 hanggang P150 naman ang collectible Santa Claus figurines mula sa dating P500.
Nasa P250 hanggang P300 naman ang presyo ng mga maliliit na Christmas tree mula P500 hanggang P600.
Sa Dapitan Market, kaunti pa lang ang mga namimili pero halos hindi na rin umano mababago ang presyo habang papalapit ang Pasko.
— Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Christmas, COVID-19, COVID-19 pandemic, Manila, Maynila, Christmas stores,