Lalaking wanted sa pagpatay sa kapatid timbog sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2019 05:18 PM | Updated as of Sep 26 2019 06:56 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Timbog ang lalaking tinaguriang top 2 most wanted ng San Jose del Monte, Bulacan dahil sa umano'y pagpatay niya sa kaniyang sariling kapatid.

Kinilala ang suspek na si Sonny Boy Pataray, na hinuli sa isang compound sa Barangay Sto. Cristo sa bisa ng isang arrest warrant ng korte.

Ayon sa pulisya, suspek si Pataray sa pamamaslang sa kaniyang kapatid na si Bernie Boy. Namatay si Bernie Boy dahil sa mga saksak.

Ikinasa ang operasyon nang makatanggap ng tip ang pulisya na pagala-gala lang ang suspek sa lugar.

Nasa 3 taon ding nagtago sa batas ang suspek.

Sabi ni Pataray, napatay niya ang kapatid matapos silang magkainisan.

"Nag-inisan lang po kami kaya ko siya nasaksak. Humihingi po ako ng patawad," sabi ng suspek.

Nakatakdang iharap si Pataray sa korte na nag-isyu ng arrest warrant laban sa kaniya.


—Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.