9 sugatan, P5-M halaga ng pinsala sa sunog sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2019 06:07 PM

MAYNILA - Siyam ang nasugatan sa nasunog na isang dormitoryo sa Ermita sa lungsod na ito nitong Huwebes.

 

Ayon sa mga awtoridad, 2 bumbero at 2 fire volunteer ang kasama sa mga nasugatan.

Nagsimula umano ang pagsiklab ng apoy sa 3rd floor ng nasabing gusali sa Sylvia Street bago ito kumalat sa 3 pang palapag.

Idineklarang under control ang sunog mga alas-4 ng hapon.

Sa inisyal na pagtaya, higit-kumulang P5 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog.

- Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.