2 officer sugatan sa rambol ng mga preso sa Pasay jail

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2019 06:03 PM | Updated as of Sep 26 2019 06:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Dalawang jail officer ang nasugatan matapos magwala ngayong Huwebes ang mga preso mula Pasay City Jail na ayaw magpalipat ng selda.

Dinala sa Pasay City General Hospital ang 2 jail officer matapos magtamo ng minor injures nang saksakin gamit ang mga nabasag na bahagi ng monobloc chairs at water dispenser.

Nagkabatuhan ng monobloc chairs at water dispenser nang tumanggi ang di bababa sa 8 detainee mula Pasay City Jail na mailipat sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Ini-lockdown ang Pasay City Jail dahil sa rambulan sa loob ng piitan.

Pansamantala namang naantala ang dalaw ng mga kaanak ng mga preso dahil sa insidente.

Matapos makipag-negosasyon ang jail warden, tuluyang nailipat ang 12 detainee sa Taguig.

-- Ulat ni Zhander Caybayab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.