Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez magpapahinga muna sa politika

Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2018 09:04 PM

TACLOBAN CITY - Hindi muna tatakbo sa susunod na eleksyon si Mayor Cristina Gonzales-Romualdez.

Nitong Miyerkoles, nagpahayag si Romualdez na magpapahinga muna siya sa politika.

"Well for now talaga, at since 9 years na rin akong councilor at 3 years of mayor... 12 years no, kasi I was a councilor, mayor's wife, it was quite hectic so, for me I would like really to rest muna now," aniya.

Nais muna umano niyang makasama ang mga anak.

Dagdag pa ni Romualdez, maaring ang asawang si Alfred Romualdez ang tumakbo bilang alkalde sa 2019 elections.

Unang sumabak sa politika ang dating aktres noong 2007 nang manalo bilang konsehal ng Tacloban City.

Matapos ang tatlong termino ay tumakbo naman siya bilang alkalde ng siyudad noong 2016 at nanalo kapalit ng asawa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.