Drayber na nag-aayos sa ilalim ng trak, nagulungan, patay

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2018 06:06 PM | Updated as of Sep 26 2018 06:38 PM

Agad na namatay ang drayber na si Glen De Ubanan matapos siyang gulungan ng inaayos niyang trak sa Tagoloan, Misamis Oriental. Photo courtesy of Tagaloan police

Patay ang isang drayber sa Misamis Oriental matapos magulungan ng inaaayos na dump truck sa Tagoloan, Misamis Oriental umaga ng Martes, Setyembre 25. 

Ayon sa imbestigasyon ng Tagaloan police, nasa ilalim ng trak ang drayber na si Glen De Ubanan para ayusin ang nakaparada nitong dump truck nang subukang imaneho ng isang Johnny Berro ang sasakyan para raw makadaan ang iba pang mga trak. 

Pag-andar ng inaayos na trak, saka lamang nalaman ni Berro na nasa ilalim pala ang kapwa drayber na si De Ubanan, at nagulungan na ang ulo nito. 

Agad na namatay si De Ubanan sa insidente. 

Aminado si Berro sa nangyari. 

Kasalukuyang nakakulong si Berro at haharap kasong reckless imprudence resulting in homicide. 

-- Ulat ni Rod Bolivar, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.