MAYNILA - Anim katao ang sugatan sa salpukan ng dalawang maintenance vehicle ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT) sa pagitan ng Buendia-Guadalupe station Miyerkoles ng umaga.
Patuloy na ginagamot sa ospital ang anim na nasugatan habang inaalam pa ng pamunuan ng MRT kung ano ang dahilan ng aksidente.
Ang aksidente ang naging sanhi kung bakit na-stranded ang maraming pasahero dahil hindi agad naka-biyahe ang mga tren ng MRT.
Bagamat normal na ang sitwasyon ngayon sa MRT, nagdagdag pa rin ng mga MRT buses para sa mga pasaherong gustong sumakay dito.
Sa kasalukuyang ay may limang tren ng MRT ang tumatakbo at ang interval nito ay may 7 minuto.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.