2 bayan sa Caraga niyanig ng Lindol

Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2018 01:56 PM

BUTUAN CITY – Dalawang lindol ang naitala Miyerkoles ng umaga sa Caraga region.

Alas-9:08 ng umaga nang maitala ang magnitude 4.1 na lindol sa Lingig, Surigao del Sur, ayon sa Phivolcs. Ang epicenter ng lindol ay nasa 72 kilometers northeast ng Lingig at may lalim na 20 kilometers.

Naramdaman ang Intensity 2 sa Bislig City.

Samantala, niyanig din ng magnitude 4.3 na lindol ang bayan ng Burgos sa Surigao del Norte, alas-2:09 ng madaling araw.

Kapwa tectonic ang origin ng dalawang lindol at wala ring naiulat na pinsala at aftershock sa mga pagyanig.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.