Magnanakaw ng bike sa Maynila timbog, nakuhanan pa ng shabu

April Rafales, ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2017 09:58 AM

MAYNILA - Arestado ang isang magnanakaw na nagtangkang magtakbo ng bisikleta sa isang compound sa Malate nitong Linggo ng hapon. 

Kinilala ang suspek na si Guillermo Balintong, na naaresto ng mga awtoridad Lunes ng gabi, habang naglalakad sa bahagi ng San Andres Bukid.

Una nang kinilala ng mga residente si Balintong sa tulong ng CCTV na nakahuli dito habang nagnanakaw ng bisikletang umaabot sa P6,000 ang halaga.

Nahulihan naman ng 2 pakete ng shabu si Balintong na kalalabas lang pala sa kulungan nitong Agosto matapos makasuhan ng child abuse. 

Samantala, sa follow-up operation, narekober ng mga pulis ang ninakaw na bisiklete sa bahay ng kaibigan ng suspek sa Cavite.