P1.8M shabu, nasamsam sa drug pusher sa GenSan

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2016 03:56 PM

SOCCSKSARGEN--Nakuhanan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalaki ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng halos P1.8 milyon.

Nahuli si Datu Manong Kauting Abdulrakman sa isang raid sa kanyang bahay sa Purok Mapailubon, Barangay San Isidro, Lunes ng umaga.
 
Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng PDEA ang kwarto ng suspek at nakuha sa vault nito ang nasa 250 grams ng hinihinalang shabu na katumbas ay mahigit P1.8 milyon.

Ayon sa PDEA, bigtime drug pusher ang suspek na nagpakilalang isang magsasaka pero duda ang PDEA dahil meron itong malaking bahay sa General Santos at may pitong high-end na mga sasakyan.

Haharap sa kasong possession of dangerous drugs ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.