Eroplano ng PAL, nag-emergency landing

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2016 01:27 PM | Updated as of Sep 27 2016 12:49 AM

Nag-emergency landing ang isang eroplanong A340-300 ng Philippine Airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 dahil sa usok na nagmula sa cabin nito.

Dakong 9:30 ng umaga nang lumipad ang PR Flight 422 na patungong Haneda, Japan nang biglang umusok ang cabin ng eroplano. Bumalik ito ng NAIA matapos ang 20 minuto.

Ligtas naman ang naging paglapag ng eroplanong may sakay na 222 na pasahero at 13 crew members.

Ayon sa pamunuan ng PAL, ang paglapag ng eroplano ay dahil sa "technical concern" at siniguro nilang sasailalim ito sa "operational assessment" upang matukoy kung ano ang naging isyung teknikal dito.

Ililipat naman sa flight mamayang hapon ang mga pasahero ng naturang flight. 

--kasama ang ulat ni Zhander Cayabyab, dZMM at Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.