MAYNILA - Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill No. 2224 ni Sen. Sherwin Gatchalian na nagsusulong ng reporma sa pagbabayad ng buwis sa gobyerno.
Sa ilalim ng Senate Bill 2224 o Ease of Paying Taxes Act, gagawing mas madali ang proseso ng pagbabayad ng buwis sa pamahalan para mahikayat ang mas maraming tax payer na magbayad ng kanilang obligasyon sa gobyerno.
Kabilang ang panukalang batas na ito sa mga tinukoy na priority measures ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Sa ilalim ng panukalang batas, papayagan ang mga taxpayer na magsumite ng kanilang Income Tax Returns at magbayad ng buwis online o sa pamamagitan ng mga awtorisadong bank agents.
Sabi ng Senado, naipadala rin sa mga mambabatas ang printed copies ng naturang panukala noong Setyembre 21, 2023.
KAUGNAY NA ULAT
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.