Isang sanggol ang natagpuang iniwan noong madaling araw ng Linggo sa harap ng isang simbahan sa Himamaylan City, Negros Occidental.
Naniniwala ang Himamaylan City Social Welfare and Development Office na isinilang ang sanggol 2 araw pa lang ang nakalipas.
Ito ay may suot na green hood, puting damit at mittens.
Ang babaeng sanggol ay nakita pasado alas-3 ng madaling araw sa harap ng West Visayas State University Church sa Barangay Caradio-an.
Hawak na ng city social welfare office ang sanggol, na ngayo'y nasa ospital para sumailalim sa check-up.
Nanawagan naman ang tanggapan para sa kung sino mang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa sanggol.
— Ulat ni Angelo Angolo
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.