PatrolPH

Rizal drug bust: P1.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu kumpiskado, 3 timbog

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2022 12:06 PM

Higit P1.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa 3 magkakamag-anak sa isinagawang buy-bust operation sa San Mateo, Rizal nitong Sabado, ayon sa mga awtoridad.

Tatlong babae ang nahuli ng mga pulis, kabilang ang isang itinuturing na "high value individual."

Nakuha sa mga suspek ang 240 gramo ng shabu na nagkakahalaga umanong higit P1.6 milyon.

Nasa kustodiya ng Taytay police ang mga suspek na kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

— Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.