PatrolPH

Magsasaka mula N. Samar, patay sa pamamaril dahil sa alitan sa manok

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2022 02:22 PM


Nauwi sa patayan ang alitan ng dalawang lalaki dahil sa nawawalang manok.

Patay ang isang 42 anyos na magsasaka matapos umanong barilin ng nakaalitan niyang 20 anyos na lalaki sa bayan ng Catarman, Northern Samar nitong Sabado.

Ayon sa imbestigasyon, bago ang krimen ay inakusahan ng biktima ang ama ng suspek na nagnakaw ng manok.

Nagkaroon pa ng paghaharap sa barangay ang biktima at suspek, pero hindi nagkaayos ang mga ito.

Pumunta umano ang biktima sa bahay ng suspek, na kumuha naman ng improvised shotgun at binaril ang biktima sa leeg.

Agad ding nahuli ng pulisya ang suspek at nakuha ang ginamit na baril.

Nakakulong ngayon sa Catarman Municipal Police Station ang suspek, na nakatakdang kasuhan ng homicide.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.