PatrolPH

Evacuation sa 5 coastal towns sa Zambales, sinimulan

Rod Izon, ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2022 08:34 PM | Updated as of Sep 25 2022 08:35 PM

Nakatutok ngayon ang Zambales Provincial Government sa pre-emptive evacuation sa mga coastal towns upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Ayon kay Zambales Govermor Hermogenes Ebdane Jr., kabilang sa mga bayang ito ang Sta. Cruz, Candelaria, San Antonio, San Felipe at ilang bahagi ng Subic.

Sinuspinde na rin nito ang klase sa lahat ng lebel bukas at ang pasok sa lahat ng mga government offices maliban sa skeletal force na naka-sentro sa mga kalamidad.

Hinati nito ang buong probinsiya sa tatlong Command Center upang matiyak ang mabilis na tugon sa ano mang mga emergency.

Naghanda na rin aniya sila ng ready to eat food para sa mga apektadong mga inilikas mula sa mga coastal towns.

Ayon kay Ebdane bandang alas-kuwatro na ng hapon pumatak ang ulan at umihip ang malakas na hangin sa buong lalawigan.

Ayon naman kay Engr. Domingo Mariano naka-deploy na ang mga mahahalagang equipments, mga sasakyan , rescue groups sa ano mang posibling mga emergency sa pagdatal ng bagyong Karding sa darating na magdamag.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.