'Bukas-kotse' suspek patay matapos umanong manlaban sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2022 12:20 PM | Updated as of Sep 25 2022 12:41 PM

Retrato mula sa Ecoland Police Station
Retrato mula sa Ecoland Police Station

Patay ang isang suspek sa "bukas-kotse" modus sa Davao City matapos umanong manlaban sa mga sumisitang pulis, sabi ngayong Linggo ng mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, napatay ang lalaki sa may Barangay Matina Crossing noong gabi ng Huwebes matapos umanong manlaban nang sitahin ng kanilang kasamahan.

Bago ang insidente, nakatanggap na umano ng tawag ang mga awtoridad na may isang lalaking sumisilip sa mga saskayang nakaparada sa Juna Subdivision sa lugar.

Agad na nagpatrolya ang mga pulis hanggang sa inabutan ang lalaking nakasakay sa motorsiklo na akma umano sa paglalarawan ng concerned citizen.

Ayon sa pulisya, biglang bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis kaya nabaril din nila ito.

Isinugod pa sa Southern Philippines Medical Center ang suspek pero idineklarang dead on arrival.

Nakumpiska umano mula sa suspek ang isang baril at ilang pakete ng hinihinalang shabu.

— Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC