PatrolPH

Pharmally exec inamin ang ugnayan sa presidente ng Business Beyond Limits

Johnson Manabat, ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2021 10:38 PM

Pharmally

MAYNILA—Inamin sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ng opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na si Mohit Dargani ang kaniyang relasyon sa presidente ng kumpanyang Business Beyond Limits OPC, isa pa sa mga kumpanyang nabanggit din sa pagdinig ng Senado.

Sa pagtatanong ni Senador Richard Gordon, mismong si Dargani ang nagsabi ng kaniyang relasyson kay Sophia Mercedes Custodio. 

Ang Business Beyond Limits ang kumpanya na nakakopo umano ng mahigit P30-milyong kontrata para sa supply ng face shields sa PS-DBM.

“I am in a relationship with Ms. Custodio. I think this will make it complicated,” sabi ni Dargani.

Paliwanag ni Dargani, nakilala niya si Custodio bilang isang full-time flight attendant na kasama sa mga nawalan ng trabaho sa air industry simula nang tumama ang pandemya.

“As a friend, and before we became together, I offered if she wanted to do business together, the best idea at the time was to put up an OPC (one person corporation),” kuwento ni Dargani.

Nagkaroon ng joint venture ang Business Beyond Limits ni Custodio sa Pharmally.

Sabi ni Dargani, tinulungan lang niya si Custodio na makapag-deliver ng kanilang supply.

“The OPC is all ready to join a bidding so basically it’s giving her a track record to be able to complete the delivery,” ani Dargani.

Binigyang-diin ni Dargani na walang kinalaman si Custodio sa operasyon ng Pharmally Corporation.

KAUGNAY NA VIDEO: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.