PatrolPH

Bangka lulan ang mga hayop lumubog sa Occidental Mindoro

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2021 05:45 PM

Lumubog ang isang bangka na may lulan na mga hayop sa karagatang sakop ng Occidental Mindoro.

Ayon kay PO2 Jeffrey Pagayonan, Philippine Coast Guard assistant station commander sa bayan ng Sablayan, lulan umano ng MB Ken Stephany ang pitong kalabaw at apat na baka.

Galing sa Coron, Palawan ang bangka at patungo sana sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro, pero pagdating sa may bayan ng Narra, Palawan ay nabutas ang unahang bahagi ng bangka dahil sa malalakas na hampas ng alon kaya bahagyang lumubog.

Isang maliit na bangka ang napadaan at nakapagsakay ng isang crew na nakahingi ng tulong sa bayan ng Calintaan, Occidental Mindoro.

Nasagip naman ng isa pang bangka ang lima pang crew ng bangka na ngayon ay nasa quarantine facility na sa bayan ng Rizal, Occidental Mindoro.

Madaling araw Sabado, nahatak na ng PCG ang bangka patungo sa Sablayan pero hindi na nailigtas ang mga kalabaw at baka.

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.