Nasa P850,000 halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Caloocan

Lyza Aquino , ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2020 05:49 AM

MAYNILA - Nakumpiska ng pulisya ang nasa P850,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Brgy. 167-Llano, Caloocan nitong Huwebes.

Batay sa paunang ulat ng Caloocan City Police drug enforcement unit,
naaresto rin sa operasyon ang suspek na si "Lito" na nagbabagsak umano ng ilegal na droga sa Brgy. 166 at mga karatig na barangay.

Nakumpiska sa kanya ang 3 medium-sized plastic na puno ng shabu na may bigat na 125 gramo. 

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.