Pulis timbog sa buy-bust sa Muntinlupa

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2019 10:09 PM | Updated as of Sep 26 2019 12:51 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA—Inaresto ang isang pulis na nahulihan ng shabu sa Barangay Poblacion sa Muntinlupa City nitong Miyerkoles.

Arestado si Police SSgt. Raphael Aves Justo sa isang buy-bust operation sa New Bilibid Prison Reservation.

Ayon sa pulisya, matagal na nilang minamanmanan si Justo na umano'y sangkot sa pagtutulak ng droga.

Si Justo ay nakita din umano sa isang surveillance video na nag sha-shabu sa kanyang bahay, na ginawang drug den.

Ayon sa pulisya, pumasok sa serbisyo si Justo noong 2007 at sa record niya, lumalabas na nag-AWOL ito noong Mayo 2017 bago nakabalik ng Agosto ng taon ding iyon.

Nasuspinde siya noong 2018 dahil laging absent umano sa trabaho. Nasuspinde din daw siya nitong Hulyo hanggang Oktubre ngayong taon.

Mahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang suspek. - Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.