Bisita sa bilangguan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2019 12:21 AM

Isang babae ang inaresto matapos mahulihan ng hinihinalang shabu habang bumibisita sa kanyang live-in partner na nakakulong sa Metro Bacolod District Jail nitong Martes.

Ayon kay Jail Chief Inspector Ruth Estales, nahuli ang suspek sa routine inspection at body frisking ng isa sa mga babaeng jail personnel.

Mangiyak-ngiyak na inamin ng suspek na sa kanya ang mga nabawing drug paraphernalia.

May dalawang taon na daw siyang gumagamit ng iligal na droga.

Sasampahan siya ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ang live-in partner ng suspek ay nahaharap sa kasong may kinalaman din sa ilegal na droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.