300 bagong traffic enforcer kailangan ng MMDA

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2019 12:45 PM

MANILA — Nangangailangan ng 300 bagong traffic enforcer ang Metropolitan Manila Development Authority, sinabi nito Martes.

"Marami din pong naalis na enforcer na corrupt o na-involve sa different cases so may mga vacancies po talaga," paliwanag ni MMDA Spokesperson Celine Pialago.

Maaari aniyang mag-apply ang mga nakatapos ng kahit 2 taon sa kolehiyo at hindi tataas sa 35 ang edad.

Dapat din aniyang may height na 5'2" ang mga babaeng aplikante at 5'4" ang mga aplikanteng lalaki.

Ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.