1 patay, 4 sugatan sa aksidente sa Negros Occidental

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2019 12:30 AM

Kuha ni Dionilo Bogtae

Isa ang patay habang 4 ang sugatan matapos bumangga sa isang puno at bahay ang kanilang sinasakyang pickup sa bayan ng Cauayan sa Negros Occidental nitong Martes.

Kinilala ang nasawi na si Noe Degillo habang ang mga nasugatan ay mga kaanak niya.

Sa imbestigasyon ng PNP, lumagpas sa daan ang sasakyan nila matapos itong dumaan sa kurbang bahagi ng highway. 

Dumiretso ito at bumangga sa puno at sa pader ng isang bahay.

Ayon sa pulis, posibleng nakainom si Degillo nang mangyari ang insidente.

Nagtamo ng sugat sa ulo at sa katawan si Degillo na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Patuloy namang ginagamot sa ospital ang mga nasugatan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.