Umano'y lider ng komunista sa South Cotabato arestado

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2018 04:27 PM

Naaresto ang umano'y lider ng mga komunista sa South Cotabato sa munisipalidad ng Surallah, Lunes, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nahuli ang umano'y Guerilla Front 73 secretary na si Ofelia "Decay/Wada" Buanhog matapos maghain ang mga pulis at sundalo ng isang arrest warrant sa Barangay Centralla, ayon sa isang pahayag ng militar.

"Commander Decay has long been the leader of the communist/terrorist [group] operating in the Province of South Cotabato and has led the group in a number of violent atrocities and extortion activities," saad ng AFP.

Si Buanhog ay inaresto dahil sa mga kasong rebellion at frustrated murder.

Nanawagan naman ang mga awtoridad sa iba pang miyembro ng komunistang grupo na mapayapa nang sumuko sa pamahalaan sa ilalim ng isang reintegration program.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.